Sunday, February 15, 2009

Rod, Kay...and Krissy

Guys tinext ako ni Rod. Di daw sila makakasama this year. Pasensha na raw dahil abala sila sa preps para sa kasal nila. Pero pinadala sa akin ni Kay yung mga bala nila ng Wii. Ayuz!

Cha, Krissy is a sensitive matter. Huli ka na naman ba sa balita?

May bago daw play si X ah. Manonood ba tayo? O pagbalik na lang natin from Fontana?

Magdadala ba ako ng kotse?

Ronald

One Night Only!

Saturday, February 14, 2009

Automated Lottery Beta Test Edition

Mga chols!

Tapos na ang automated lottery beta test edition! Natest na ni X at ni Skips. Fool proof, it yields the desired results. ;)

All set na. Tignan ko kung may budget pa akong bumili ng ps3. Mejo kakatapos lang ng valentines, napagastos ako eh. Haha. Sa feb 20 na ang kwento.

Jigs, wag ka maarte. Iwan mo na yang interviews mo. Masyado ka nang matalino, magreject ka naman ng ibang offers. Pag-aagawan ka naman ng mga kumpanya i'm sure.

Kitakits!

Budi

Final Reminders!

Hi Guys!

Daming nagba-back-out. Dahil ang daming nagbibreak? Ano ba 'yan? Kelan ba tayo makukumpleto? Jigs, isasama mo ba si Krissy? Ilang buwan ka na naming di nakikita sana sumama ka naman!

Mga reminders lang. Be at UA&P Telengtan Hall at around 7:30pm. We will leave at exactly 8pm. Ang di dumating on time, hindi hihintayin.

Eman, bring your board games. Kami na ni Peds sa Wii. Budi, magdadala ka ba ng ps3? Skips, yung poker set wag mong kalimutan. Yumi yung magic sing. Bring extra sleeping bags just in case. Di ko sure kung pwedeng magrequest ng extra mattresses eh.

Bring 250 pesos. contribution natin sa groceries. We'll have some snacks before we leave courtesy of X. Di ba X?

Excited na ako! Wala nang atrasan!

Cha

Tuesday, February 10, 2009

Bawal KJ

Wag kang KJ Jigs! Once a year lang ito (or twice hehe). They can wait. I'm sure given your credentials, they will accommodate you anytime. Huwag ka ngang square!

O baka naman natatakot kang makulong sa kwarto with someone? Hehe. Sino bang kinatatakutan mo? Siguro takot ka sa'kin noh?

Meron bang magdadala ng alak? I have five bottles of red, bigay sa akin ng client namin sa isang photoshoot na sinalihan ko. Dala naman kayo ng beer.

Kita-kits sa Feb 20! Puno na ba ang mga sasakyan natin? Are we all accounted for? Can we still accommodate others? Baka may iba pang gustong sumama?

Yumi

Wednesday, February 04, 2009

Feb 20 na?!

Uy sorry guys been really busy. Di ako nakakareply. Been going around interviews and exams for possible employment. Medyo pressured sa bahay na makakuha agad ng work eh.

Grabe. Last time I checked my mail, nagpaplano lang tayo ng getogether. Bigla na lang may date at venue na for an outing. Bilis ah! Mga hayok sa bakasyon! Ganyan ba talaga sa corporate world? Ganyan ba talaga nakakaburn-out? Hehehe.

Hindi pa ako sure kung makakasama ako. I really want to. Pucha, bago man lang ako lamunin ng corporate, makapagbakasyon man lang sana ng isang matindi-tindi. Gusto kong magpakawasak kahit one night lang. I'll really try my best. May major interview kasi ako sa Accenture sa 21 saka sa 23.

Tetext ko kayo para i-update. I'll try to check my mail every day.

Jigs




Tuesday, February 03, 2009

Ban Juan Ekis

I agree with Yumi. Huwag nating isama si X. Last time na nag-inuman kaming dalawa, napanood ko yung buong buhay ko onstage a month later.

Hehe. X! May utang ka pa sa akin!

Kitakits. Feb 20. Telengtan, UA&P.

Ronald

Automated Lottery

Eman,

Tapos ko na ung javascript na pinagagawa mo. Gusto mo'ng i-testing? Hehe. Kaya lang baka masayang ung prinogram ko kung hindi sumipot yung iba diyan. Paimportante kasi. Hehe.

So, it's official guys! Our lottery this year will be automated to *ehem* avoid cheating. wehehe.

Yumi: Ano, bibili na ba ako ng PS3? Hehe.

May bago daw play si Ekis ah! Tungkol daw sa mga sira-ulo. Peds, may play na si x para sa'yo! Sasama ka ba this year, x?

Plus one din ako this year. Andami natin. Magkakasya ba tayo sa bahay?

Budi

The Venue is Set!

Hi Guys!

I had fun last Sunday. Eman, masyado mong siniseryoso ang poker. Nagpapraktis ka ba pag hindi tayo naglalaro? Sinimut mo kami ah. Ingat ka kay Eidge. Hehe. We should make this dinner thing more regular kahit once a month.

Anyways, set na ang venue natin. Fontana ulit tayo this year. Guess what? We got the same house! The one near the legendary magic tree.

So I'll see you guys sa Feb 20. We'll leave at exactly 8pm but please be there by 7:30 so we can settle and have some quick bite. Telengtan Hall, okay? UA&P.

May dadagdag pa ba sa headcount? Emil? Jigs?

Kitakits!

Cha

Sunday, February 01, 2009

Wala daw PS3!

It was great to see some of you again guys. As usual, paimportante si Jigs. Di na naman sumipot sa dinner kagabi. Si Emil ba sasama din? So far sa head count: Stephen, Cha, Peds, Budi, Eidge, Eman, Ana, Juan, Ronald, at ako pa lang ang confirmed. Still waiting for Emil, Jigs, May. How about the others?

Wala daw PS3 sabi ni Stephen. Budi, hinahamon ka oh! Bili ka nga! Haha.

I'll bring the majic sing just in case may trip mag videoke.

Carpool arrangements, Peds will bring a car, si Stephen din, saka si Eman.

Btw, congrats to the newlyweds Peds and Cha! Sorry hindi ako nakarating sa kasal nyo.

So kita-kits. Feb 20, telengtan hall. 8pm. agahan nyo, para makaalis tayo eksakto 8. delikado bumiyahe pag masyado late. Magdala pala kayo ng Php250 each pang contribute sa gas, toll saka sa dinner na lulutuin ni Peds

Paging Jigs!!!

Yumi

Saturday, January 31, 2009

Planning and Poker Night!

Yumi: I have a better idea: Rockband for PS3!

Ronald: Bakit, hindi ka ba happy sa resulta last year? hehehe. You turned out fine. Wahahahaha! Sino isasama mo this year? Lalaki naman? Hehe. Sabi na eh. Kidding aside, kung sino man yang isasama mo sa Feb 20, paalala mo lang na may dress code sa UA&P: bawal ang tsinelas, sandals, shorts, maikling palda, sleeveless, hanging, mabaho at pangit. Alam mo naman ang school natin...

Budi: Tama si Ronald. Iprogram mo na lang. Pero alam mo na ang gagawin...pinag-usapan na natin. Algorithm 69 oks? hehehe. Er...sasama ba si Jigs? *wink*

Guys, sira daw yung wifi ni Skips kaya tinext nya ako na i-email ko na lang daw sa inyo yung details ng dinner. Abonddanza daw tayo mamayang gabi around 7pm. Agenda is car pool, budget, itenerary, head count, list of dvd's to watch, and food.

Peds: Dalhin mo yung poker set. Poker tayo after dinner.

Jigs: Magparamdam ka!

Kita-kits!

Eman